Wednesday, February 17, 2010

A Letter I Could Send

I have always had this "Letters I Could Never Send" part in my blogs wherein I send out anonymous letters to people and bahala na sila to guess kung para sa kanila ba yon o hindi. But this time, this letter I have sent. And this is the only way I could express what I feel. This is the "raw-est" of raw.:(

To You:

Tunay nga atang nararamdaman mo yung lungkot kapag mag-isa ka na lang sa gabi. Well, technically hating gabi. Haha! Hindi ko alam kung kelan mo ito mababasa pero sobrang hindi tumitigil yung luha ko ngayon. Akala ko matatakasan ko yung lungkot na nararamdaman ko sa pag-alis mo. Sobrang optimistic ako the whole day. I tried to be optimistic-sounding nung nakausap kita sa telepono kanina. Kasi akala ko kaya kong mapanindigan na sobrang saya ko talaga para sa iyo. Pero hindi ko pala kayang takasan. Ang sakit sakit sakit ng pag-alis mo. Hindi ko pinapakita sa iba, lalo na sayo, kasi ayaw kitang pigilan sa pag-alis mo. Kasi alam kong mas makakabuti sayo yon. Pero gusto ko lang malaman mo na sobrang sakit. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, di naman ako lasing. Hahahaha! Wala na akong makausap dito kasi tulog na lahat silang tinetext ko. I'm crying all by myself now. Baka kasi ayaw ko ring makita ng mga tao kasi ayaw kong makadagdag doon sa lungkot na nararamdaman ng lahat. Pero sobrang nalulungkot ako. Kahit lagi mo akong inaaway, lagi mo akong sinasaktan physically, kahit na lagi mo akong kinakanchawan kasi mahal ko si Dick at kahit lagi mo akong pinagtatawanan. I'd rather have that than feel what I'm feeling right now. Alam mo namang hindi ako ganun kagaling mag show ng emotions ko. Hahaha! Hindi ko nga rin alam kung nag me-make sense pa itong sinasabi ko. Gusto ko lang malaman mo na miss na miss na kita kahit kanina ka lang umalis. Hihintayin kita dito Sir Noel. Kahit na kung pagbalik mo hindi mo na ako maalala na may friend ka nga palang pangalan ay Virlynn (DRAMA! hahahaha!) Hindi kita malilimot kahit iyong limutin.:) (Yes, those are fake "hahaha-s" and fake smileys on this note) You'll be back soon! And when you're back, I hope that you'll be proud of whatever I have accomplished in my life in 2 years. Thank you for always believing that I can do things. Thank you thank you thank you. Magpakabait ka diyan!:D Huwag masyadong manlalalake ha!

No comments:

Post a Comment